Tuesday, September 08, 2009

free day of yoga


Nakapunta ako kahapon sa isang session ng Bikram yoga -- ito yung yoga na ginagawa sa isang mapakainit na kwarto -- naka-on ang heater halos isang daan deg F. Mahigit din isang oras kami duon -- may mga bagong pose akong natutunan, katulad ng rabbit pose at saka yung iba di ko na matandaan.

Maganda yung napuntahan ko, sunstone yoga ang pangalan nung lugar. May paliguan, may libreng gamit ng yoga mat at twalya pang yoga at twalya pang ligo. Ang pinuntahan ko ay yung alas sais ng umaga hanggang lampas alas siete. Dami ring nagpunta, siguro mga labindalawa kami duon. Tapos yung kwarto maganda rin dahil buong salamin ang dalawang dingding, kaya kita ko kung deretso ba yung likod ko o kung tama ba ang ginagawa ng katawan kong pose..

Eto ang nakakatawa -- yung guro ay naka suot ng tank na pang yoga. E di siempre kita kilikili duon :) .. eto ang hindi ko maipalampas -- may buhok sya sa kilikili ahahahaha... dami!! para bang pinatutubo nya talaga at trini-trim ng siguro kalahating centimeter. Tuwing titingnan ko siya sa salamin napapatingin ako sa buhok nya -- e kulot pa naman ahihihihi.. haaay buti di ako napatawa nung una siyang nagtaas ng kamay.

Ang masasabi ko lamang ay -- kailangan malaki ang self confidence mo para di mag tanggal ng buhok sa kilikili .. at mag-tank .. at magturo ng yoga sa maraming tao .. Siguro itong self confidence na ito ay makukuha lamang sa pag praktis ng yoga ng matagal.....

2 Comments:

At 8:15 PM, Blogger Munchkin Mommy said...

dahil tagalog ang wikang ginamit mo sa pagsulat...tagalog din ang iiwanan kong komento: nasiyahan ako ng husto sa isinulat mo! hahaha! nakakatawa! :P hindi siguro ako makakaconcentrate kung kasama ako sa klaseng iyon. taga europa ba ang guro? :D

 
At 7:02 PM, Blogger OneDayAtATime said...

dehins -- puti sya, pero brown ang buhok.. kaya yung mala-balbas nyang buhok sa kilikili ay brown at kulot ahihihihi

 

Post a Comment

<< Home